Bakit kaya Ingles ang karaniwang ginagamit na pamagat sa mga pelikulang Pilipino?

Katanungan

Bakit po kaya ingles ang karaniwang ginagamit na pamagat sa mga pelikulang Pilipino?

Sagot verified answer sagot

Mapapansin nating Ingles ang karaniwang ginagamit na pamagat pagdating sa mga pelikulang Pilipino. Wala namang mali dito bagamat ang wikang Ingles ay isa sa mga opisyal na lengguwahe ng ating bansang Pilipinas.

Isa sa mga dahilan kung bakit maaaring mas ginagamit ang wikang Ingles ay dahil wala itong katumbas na salita o hindi maisasalin sa wikang Filipino.

Maaari ring dahilan na mas maraming mahihikayat manuod, lalo na ang mga dayuhan, dahil wikang Ingles ang pangunahing internasyonal na wika na naiintidihan ng lahat ng tao mula sa iba’t-ibang panig ng mundo.

Mas magiging madali rin ang promosyon ng pelikula lalo na kung dadalhin ito sa ibang bansa.