Bakit kaya iniwan ng binata sa tula ang kanilang tahanan?

Katanungan

Bakit po kaya iniwan ng binata ang kanilang tahanan sa tula?

Sagot verified answer sagot

Sa isang tula na may pamagat na “Ang Aking Aba at Hamak na Tahanan,” malalaman natin na ang binata ay lumisan sa kanilang tahanan.

Ang kanyang pag-alis ay sa kadahilanan na nais niyang tuparin ang kanyang pangarap na maging isang sundalo.

Ayon sa tula, ang binata at ang kanyang ama ay nakatira sa isang simpleng tahanan at may bukirin silang inaalagan.

Ngunit noong panahon na mga iyon ay naramdaman ng binata na nais niyang ipaglaban ang kanyang bayan na sumasailalim sa digmaan.

Kaya naman siya ay nagpasya na iwan ang kanilang mumunting tahanan ng kanyang ama at makipagsapalaran sa giyera.