Bakit kaya sila napagbintangan namuno sa pag-aalsa sa Cavite?

Katanungan

bakit kaya sila napagbintangan namuno sa pag-aalsa sa cavite?

Sagot verified answer sagot

Napagbintangan ang tatlong paring martir na nakilalang GOMBURZA na namuno sa pag-aalsa sa Cavite dahil ipinagkanulo sila ng isang kastilang pari sa salang hindi naman sila ang may gawa.

Ang pag-aalsa sa Cavite noong ika-20 ng Enero taong 1872 sa kadahilanang nawalan ng pribilehiyo ang mga sundalo at manggagawang Pilipino alinsunod sa pagpapatupad ng pagbabayad ng buwis.

Subalit natalo ang mga Pilipino at dinakip sila kabilang na sina Padre Mariano Gomez, Jose Burgos, at Jacinto Zamora dahil sa maling sumbong.

Subalit, naging malagim ang pagkakapaslang sa tatlong martir na pari dahil sila ay binitay ng hindi nabibigyan ng patas na pagkakataon upang ipagtanggol ang mga sarili.