Bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan?

Katanungan

bakit kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang indus na isang organisado at planadong lipunan?

Sagot verified answer sagot

Kinilala ng mga arkeolohiya ang kabihasnang Indus na isang organisado at planadong lipunan batay sa mga natuklasan nito sa kabahayan ng kabihasnan na mayroong pare-parehong sukat ng bloke at ang sistema ng kanal na matatagpuan sa ilalim ng lupa na maituturing na sentralisado.

Ang kabihasnang Indus na pinagsibulan ng Mohenjo Daro ay isang organisado at planadong lungsod dahil sa mga bahagi ng lungsod nito na ginamitan ng brick na mayroong tamang taas.

Ang mga kabahayan ay gawa rin sa mga blokeng may magkakaparehong sukat, pantay na bubungan, at mga banyong natukoy na nakakonekta sa mga imburnal.

Ang mga tahanan sa kabihasnang ito ay pinahihintulutang umabot sa 2 hanggang 3 palapag lamang.