Bakit laging downward sloping ang demand curve?

Katanungan

Bakit po laging downward sloping ang demand curve?

Sagot verified answer sagot

Sa usaping ekonomiks, ang demand curve ang siyang nagpapakita ng epekto ng presyo pagdating sa pangangailangan o antas ng demand ng mga mamimili.

Laging downward sloping ang demand curve dahil ang relasyon ng presyo at demand ay tinatawag na inverse. Kapag inverse ang relasyon, pababa ang o downward ang slope nito kapag tinignan sa talangguhit.

Ibig sabihin nito, kapag tumataas ang presyo ay bumababa naman ang demand. Gayun na lamang na kapag ang presyo ay mababa, tumataas naman ang demand para sa isang produkto o serbisyo.

Basta ang isang elemento ay mataas, aasahang ang sumusunod na elemento naman ay mababa.