Katanungan
Bakit magkaiba ang price elasticity ng negosyante at bakasyonista?
Sagot
Price elasticity ang tawag sa porsyentong nababago sa demand kapag nababago ang presyo. Sa pagitan ng negosyante at bakasyonista, sinasabing mas malaki ang price elasticity ng isang negosyante kumpara sa bakasyonista.
Ito ay sa kadahilanan na mas sensitibo ang mga negosyante sa pagbabago ng presyo kaya naman mabilis rin magbago ang kanilang demanda para sa isang produkto o serbisyo. Ang mga negosyante kasi ay may layunin na kumita nang malaki.
Naaapektuhan ang kanilang kita kapag nagbabago ang presyo, lalo na pag tumataas ito. Hindi tulad ng isang bakasyonista na handang-handang gumastos kahit tumaas man o bumaba ang presyo dahil may nakahanda siyang pera para sa kanyang bakasyon.