Bakit mahalaga ang katiwasayan sa isang lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang katiwasayan sa isang lipunan?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang katiwasayan sa isang lipunanMahalaga ang katiwasayan sa lipunan dahil kung may kapayapaan at kaayusan, mas maganda ang samahan ng lahat at walang banta sa buhay ng mga mamamayan.

Ang katiwasayan ay nagbibigay ng panatag na loob sa bawat kasapi ng lipunan na hindi sila mapapahamak anumang oras.

Ang katiwasayan din ay nagbibigay ng maayos na kaisipan sa bawat isa na ang kanilang kapuwa ay hindi kalaban bagkus isang kakampi na maaaring umakay sa kanilang kamay sa oras ng kagipitan.

Mas kakaunti rin ang nagiging suliranin ng isang lipunan na may katiwasayan. Dahil dito, naitutuon nila ang kanilang oras at panahon sa ibang mas mahahalagang bagay tungo sa kaunlaran.