Bakit mahalaga ang komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

bakit mahalaga ang komunikasyon sa pagpapatatag ng pamilya?

Sagot verified answer sagot

Dahil ang komunikasyon ang nagdudulot ng pakakaisa o pagkakasundo ng bawat miyembro ng pamilya kung kaya ito ay itinuturing na mahalaga.

Ang pagkakaroon ng bukas na komunikasyon ay nakapagdudulot ng pagkakaisa at pagkakasundo sapagkat sa tulong nito nasasabi ng bawat kasapi ng pamilya ang kanilang saloobin maging ito man ay talima o taliwas sa ideyang pinaniniwalaan ng iba.

Ito ay marapat na maging tapat at maipahayag ng may kababaang loob upang sa gayon ay maiwasan ang alitan o away sa pagitan ng bawat kasapi. Ang pagkakaisa ng bawat kasapi ng pamilya ay ang dahilan o ugat ng kanilang pagmamahalan na siyang bumubuklod sakanila.