Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng pamilya sa lipunan?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang mga kontribusyon ng pamilya sa lipunan?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang kontribusyon ng pamilya sa lipunan sapagkat dito unang hinuhubog ang kakayahan ng isang indibidwal. Ang pamilya ay ang itinuturing na siyang sangay na pinakamaliit sa lipunan.

Kung saan sa sangay na ito unang hinuhubog ang isang indibidwal habang musmos pa lamang. Tumatayong gobyerno o kaya naman ay pamahalaan ang mga magulang na siyang nagbibigay ng iba’t ibang batas na dapat tupdin ng mga mamamayan na sa yunit na ito ay tinatawag na anak o mga anak.

Ang sangay na ito ay mahalaga sapagkat dito unang hinuhubog o sinasanay ang indibidwal sa kung paano maging mabuting mamamayan na sa pagdating ng panahon ay maaaring susunod na mamuno sa bansa.