Bakit mahalaga ang mga misyong pangkalayaan ipinadala sa Amerika?

Katanungan

Bakit mahalaga ang mga misyong pangkalayaan ipinadala sa Amerika?

Sagot verified answer sagot

Tunay na mahalaga ang ginampanan ng mga misyong pangkalayaan ng Pilipinas na ipinadala Amerika dahil ang pangunahing layunin lamang ng mga misyon na ito, tulad nga ng pangalan ng misyon, ay palayain ang Pilipinas mula sa pananakop ng mga Amerikano.

Natalo ang Pilipinas sa pakikidigma laban sa mga Amerikano kaya naman tuluyang nasakop ang ating bansa.

Ang natatanging paraan na lamang na naisip ng mga Pilipino ay gumawa ng misyong pangkalayaan kung saan may susuriin ang kalagayan ng ating bansa at pagpapasiyahan ng mga Amerikano kung kaya na bang bigyan ng kalayaan ang Pilipinas na tumayo ito bilang isang sariling bansa na may soberanyang tinatamasa.