Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa kontemporaryong isyu?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa kontemporaryong isyu?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang pagiging mulat sa kontemporaryong isyuMahalaga ang maging mulat sa kontemporaryong isyu sapagkat ito ay mga isyung tungkol sa mundong ginagalawan mo at apektado ka ng mga ito.

Hindi man ito direktang nagbibigay sa iyo ng suliranin o problema, siguradong may mga pagkakataon na makahahadlang na ito sa iyong personal na buhay.

Isa pa, ang mga kontemporaryong isyu ay mga isyung kinakailangan ng pakikialam ng masa dahil malaking bahagi tayo ng lipunan.

Kadalasan, ang boses ng masa at ng mamamayan ang nagiging sandata upang maresolba ang isang problema.

Kaya naman ang pagiging mulat sa mga isyung makabago ay makatutulong nang malaki sa ginagalawang mundo at sa pagresolba ng mga usaping ito.