Bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit mahalaga ang pagmamahal sa bayan?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga ang pagmamahal sa bayan upang ito ay mapalaya sa kahit ano mang karahasan o pang aapi mula sa mga mayayaman at mga elitistang nakaupo sa gobyerno.

Ang tunay na pagmamahal ay mapagpalaya kaya kung mahal mo ang iyong bansa ay palalayain mo ito sa kahit anong pagpapahirap sa mamamayan, para umunlad din ito at magkaroon ng pantay pantay na pag trato sa lahat.

Ang pagmamahal sa bayan ay mahalaga upang magkaroon din ng kapayapaan ang bawat isa at mai-ayos ang pamamalakad dito, dahil kung hindi mo mahal ang iyong bansa ay mawawalan ka ng pakialam dito at hahayaan mo lang ang mga nangyayari na hindi maganda.