Bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit mahalaga ang pagpapaunlad ng mga hilig?

Sagot verified answer sagot

Ang isang hilig o kagustuhan ng isang tao ay sumasalamin sa kanyang mga interes, kinaugalian, at personalidad. Importanteng paunlarin ang mga hilig dahil maaaring maglarawan sa kahinaan at kalakasan ng bawat tao ang mga ito.

Isang halimbawa ng hilig ng isang tao ay ang paglalaro tulad na lamang ng basketball, isa sa mga pinakatanyag na larangan ng laro sa bansa.

Ang pagkakahilig sa larong ito ay naghuhubog ng lakas sa pangkatawang tao. Sa kabilang banda naman, ang pagkahilig sa pagbabasa ng libro ay isa pang ehemplo. Itong hilig na ito ay nagsisilbing daan upang mas magkaroon pa ng kaalaman ang isang tao.