Katanungan
bakit mahalaga ang pagsangguni sa mga sanggunian sa pananaliksik?
Sagot
Mahalaga ang pagsangguni o paggamit ng mga sanggunian sa pananaliksik dahil nakatutulong ito upang makakalap ng iba’t ibang impormasyon at kalaaman ukol sa pananaliksik at para magkaroon ng isang mapagkakatiwalaang sanggunian.
Ang isang pananaliksik ay nangangailangang gumamit ng iba’t ibang sanggunian upang makakakalap ng mga karagdagang impormasyon hinggil sa paksang sasaliksikin.
Nakatutulong ito upang mas mapalawak ang mga ideyang nakapaloob sa paksa. Isa pa sa naitutulong ng mga sangguniang ito ay upang masiguro na ang mga impormasyon ay naaayon sa isang batayan na may basehan, napag-aralan, at napatunayan. Ito rin ay mahalaga sapagkat isa rin itong tulay upang maging matibay ang pananaliksik na gagawin.