Katanungan
bakit mahalaga ang pagsunod sa batas na nakabatay sa likas na batas moral?
Sagot
Ang pagsunod sa batas na nakabatay sa likas na batas moral ay mahalaga dahil ito ay nakapagdudulot ng kapayapaan. Ang likas na batas moral ay isang karunungang handog ng Diyos simula ng siya ay malikha.
Ito ay konektado sa konsensiyang nararamdaman ng isang tao. Ang kakayahang ito ang nagtatakda ng isang kilos na maaaring gawin ng isang tao.
Ang pagkakaiba ng mabuti at masama ng isang aksyon ay higit na nauunawaan ng isang tao sa tulong ng batas moral na ito.
Ang isa pang magandang dulot nito ang pagkakaroon ng kusang loob ng isang indibidwal upang maabot ang kapayapaan o kabutihang panlahat.