Katanungan
Ano po ang dahilan kung bakit mahalaga ang pagtitipid ng tubig?
Sagot
Tubig ang isa sa mga natural na likas na yaman na ating tinatamasa sa mundong ito na halos libre lang kung tutuusin. Tayo ay napapaligiran ng maraming anyong tubig.
Ang ating mundo ay binubuo ng mas malaking porsyento ng tubig kaysa lupa. Ngunit kahit ganoon pa man, mahalangang tipirin natin ang tubig.
Katumbas na nang buhay natin ang tubig. Kung walang tubig ay maaaring hindi na tayo magtagal sa mundong ito.
Kaya namn mahalagang maging matipid tayo sa tubig dahil balang araw ay maaaring maubos ang pinagkukunan natin nito, dahil hindi lamang tao ang nakikinabang sa tubig kung hindi maging na rin mga hayop at halaman.