Katanungan
Bakit po mahalaga ang pagtugon ng mamimili sa pagbabago ng presyo?
Sagot
Sa ekonomiya, kinakailangan na mapanatili ang ekwilibriyum neto. Kaya naman mahalaga ang pagtugan ng mga mamimili sa pagbabago ng presyo.
Sa pamamagitan ng pagtugon ng mga konsyumer sa pagtaas o pagbaba ng presyo ng isang produkto o serbisyo ay nagiging pantay ang katayuan ng ekonomiya ng isang bansa o lipunan.
Ang pagtugon ng mga mamimili sa presyo ang siya ring nagdidikta o nagiging batayan sa dami o kaunti ng supply na kayang ibigay ng mga prodyuser.
Kung hindi pag-aaralan ang tugon ng mga konsyumer, maaaring maranasan ng pamilihan ang pagkakaroon ng shortage o kakulangan sa suplay ng mga produkto o serbisyo.