Katanungan
bakit mahalaga ang pakikilahok sa mga pisikal na aktibidad upang matamo ang physical fitness?
Sagot
Ang paglahok sa mga pisikal na aktibidad tulad ng pag-eehersisyo, pagsali sa mga larangan ng sports, at iba pa ay napakahalaga sa pagtatag ng physical fitness ng isang tao.
Physical fitness ang tumutukoy sa pang-pisikal na kalagayan ng bawat indibidwal kung saan ay kanyang ipinapakitang gilas ang kanyang lakas, bilis, liksi, at iba pa. Sa pamamagitan nga mga pisikal na aktibidad ay mas mipapaigting at maipapabuti pa ng isang tao ang kanyang physical fitness.
Bukod sa pisikal na kalagayan ay nakabubuti rin sa kalagayang pag-iisip ng isang tao ang pagsali o pagsagawa ng mga pisikal na aktibidad. Ito ay base sa mga pananaliksik na ginawa ng mga nasa medikal na propesyon.