Bakit mahalaga ang pasasalamat?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit mahalaga ang pasasalamat?

Sagot verified answer sagot

Ang pasasalamat ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito naipapakita ng isang indibidwal ang kanyang pagpapahalaga sa kanyang kapwa.

Ang pasasalamat ay isang gawi ng bawat indibidwal upang ipakita ang pagpapahalaga sa kabutihang loob na ipinamalas o ipinakita sakanila ng kanilang kapwa. Nakatutulong ito upang mapagtibay ng bawat indibidwal ang sosyal na ugnayan gayundin ang komunikasyon.

Ang pasasalamat ay kinapapalooban ng tatlong mahahalagang antas, ito ay mga sumusunod:

1.) Ang kabutihang ipinamalas ng kapwa ay kinikilala.

2.) Pagbibigay salamat o pagpapasalamat.

3.) Ang pagbabalik ng kabutihang loob sa kapwa na naaayon sa kakayahan ng mga indibidwal na nakatanggap nito.