Bakit mahalaga ang relihiyon sa pag aaral ng heograpiyang pantao?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang relihiyon sa pag aaral ng heograpiyang pantao?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang relihiyon sa pag aaral ng heograpiyang pantao?Isa sa mga bagay na pinag-aaralan sa heograpiyang pantao ay ang relihiyon. Mahalagang mapag-aralan ang relihiyon sa heograpiyang pantao sapagkat ito ang nagiging sanggunian ng ilang pagpapahalaga ng mga mamamayan o lipunan.

Malaking bahagi na kasi ng buhay ng mga tao ang relihiyon kaya naman ang karamihan sa kilos ng mga ito ay nakabatay na rin sa mga pagpapahalaga at aral na itinuturo ng relihiyon.

Kung malalaman ang relihiyon ay malalaman din kung anong klase ng pamumuhay at disiplina mayroon ang isang lugar na makatutulong para malaman kung paano pinahahalagahan ng mga ito ang kanilang paligid, kabilang na ang mga likas yaman na nasa kanilang teritoryo.