Bakit mahalaga ang social media at internet sa ating kasalukuyang buhay?

Katanungan

Bakit po mahalaga ang social media at internet sa ating kasalukuyang buhay?

Sagot verified answer sagot

Sa panahon ngayon, lumaganap na ang iba’t-ibang teknolohiyang makabago. Kabilang dito ang pag-usbong ng internet, at sa loob nito, namamayagpag ang social media.

Sa pamamagitan nito, nagiging posible ang pakikipag-ugnayan ng mga tao, anuman ang kanilang kinaroroonan sa iba’t-ibang sulok ng mundo.

Tunay na mahalaga ang social media at internet sa ating kasalukuyang buhay dahil instrumento na ito upang mas mapadali ang daloy at antas ng ating pamumuhay.

Sa pamamagitan ng internet at social media ay mas napapabilis ang daloy ng mga impormasyon. Mas nagiging madali rin ang komunikasyon.

Tulad ng nabanggit, kahit nasaang lupalop ka pa ng mundo ay may kakayahan nang kumunekta sa ibang tao nasaan pa man.