Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa mo ng pasya?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa mo ng pasya? Bakit nga ba guys? HAHA

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalaga ang tulong ng ibang tao sa paggawa mo ng pasyaHindi lamang sarili ang dapat asahan sa paggawa ng pasya. Kung minsan, kinakailangan din natin ng tulong ng ibang tao.

Ang tulong na ito ay mahalaga dahil sa pamamagitan ng opinyon o pagtaya ng iba ay mas nakagagawa nang maayos ng pasiya.

May mga bagay kasi tayong hindi alam tungkol sa mga pagpipilian natin. May mga bagay din na hindi natin nakikita sa ating perspektibo kaya naman mahalaga kung ano ba ang pananaw ng iba para naman makita natin at makamit ang pantay na pagtimbang sa mga pagpipiliang mayroon tayo. Kung minsan, ang ibang tao rin ang nagpaliliwanag sa isip nating naguguluhan.