Katanungan
Bakit po mahalaga ang Twelve Tables?
Sagot
Noong panahon ng sinaunang Roma, mayroon silang tinatawag na twelve tables. Ang twelve tables na ito ay labindalawang tableta ng tanso na naglalaman ng mga batas.
Napakahalaga nito bagamat ito ang sinasabing nagpasimula sa mga batas na mayroon tayo hanggang ngayon.
Dahil sa twelve tables ay tinatamasa ng mga mamamayan ang kalayaan at pagkakapantay-pantay ng mga tao sa ilalim ng isang gobyerno.
Naging pundasyon at basehan ito, hindi lamang ng konstitusyon sa Roma. Ang maraming bansa ay alinsunod rin sa twelve tables na ito.
Hanggang ngayon ay kinikilala natin ang naging mahalagang ambag ng twelve tables sa sangkatauhan at sa buong daigdig.