Bakit mahalaga na mayroong ugnayan ang mga bangko at institusyong di bangko?

Katanungan

bakit mahalaga na mayroong ugnayan ang mga bangko at institusyong di bangko?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga na mayroong ugnayan ang mga bangko at institusyong di bangko upang maibalanse ang sirkulasyon ng salapi sa lahat ng uri ng institusyon.

Ang bangko ay isang pampananalaping institusyon na siyang nagbibigay ng oportunidad sapagitan ng isang namumuhunan o kliyente na kulang sa usaping kapital o puhunan at kliyente na mayroon namang sobra o labis na kakayahan na magkaroon ng pagpapautang na hindi tuwiran upang maging matagumpay.

Sa kabilang banda, ang mga di-bangkong institusyon naman ay kinabibilangan ng Pagtutulungan sa Kinabukasan- Ikaw, bangko, at Gobyerno (PAG-IBIG), Social Security System (SSS), at Government Service Insurance System (GSIS) na siyang tumutulong na makapagbigay ng iba pang serbisyo sa usaping pananalapi.