Bakit mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang kanilang karangalan at kalayaang muling mamuno?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

bakit mahalaga sa mga pilipino na mabawi ang kanilang karangalan at kalayaang muling mamuno?

Sagot verified answer sagot

Mahalaga sa mga Pilipino na mabawi ang kanilang karangalan at kalayaang muling mamuno sapagkat sa pamamagitan nito nagkakaroon ng sariling pagkakilanlan ang mga Pilipino at kakayahang makatindig sa sarili nitong kakayahan.

Ang pagkamit ng karangalan at kalayaan ng mga Pilipino noong unang panahon ay idinaan sa iba’t ibang rebolusyon na kung saan maraming mga Pilipino ang nagbuwis ng kani-kanyang buhay para sa Inang Bayan.

Ito ay nagbunga matapos mapalaya ang Pilipinas sa kamay ng mga espanyol subalit nagtapos pansamantala dahil sa pagpasok ng mga Amerikano.

Ngunit ang pamamahala ng mga Amerikano ay mariin ding ginawan ng paraan ng mga Pilipino upang maibalik sa kanila ang kanilang karangalan at kalayaang mamuno na siya namang nakamtan ng bansa.