Katanungan
Gumagamit po ba tayo ng mahalagang kaalaman sa paghahanda ng lupang taniman?
Sagot
Hindi basta-basta ang pagtatanim kaya naman napakahalaga na matutunan ang tamang paghahanda sa lupang tataniman.
Ang pagkakaroon ng kaalaman bago magtanim ay mas makakatulong sa paglago ng mga halaman at iba pang itatanim.
Hindi masasayang ang mga itatanim dahil kunghindi ito mapaghahandaan at mapapangalagaan nang wasto ay maaaring mamatay lamang ang mga halaman at iba pang mga pananim na pang-agrikultura.
Nakakatulong rin sa lupa ang tamang paghahanda dahil mayroon iba’t-ibang klase ng lupa at kailangan malaman kung anong lupa ang pwedeng mapagtaniman.
Minsan kasi ay hindi tumutubo ang pananim kung sa ibang lupa ito itinanim. Namamatay lang ito kaya nakakapanghinayang naman.