Bakit mahalagang maunawaan ng mambabasa ang tema ng may akda ng isang kuwento?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

bakit mahalagang maunawaan ng mambabasa ang tema ng may akda ng isang kuwento?

Sagot verified answer sagot

Para maunawaan ang aral na nais ipabatid ng may akda ng isang kuwento ang dahilan kung bakit mahalagang maunawaan ng mga mambabasa ang tema ng akda ng isang kuwento.

Ang pagbuo ng isang akdang pampanitikan tulad ng kuwento o mga salaysay na hango sa karanasan ng isang tao o di naman kaya ay likha ng malawak na imahinasyon ng isang manunulat na paniguradong kapupulutan ng aral, ay nangangailangang may mga elemento (tema, tauhan, pinangyarihan, sigalot, solusyon, wakas) upang mas maunawaan ng mga mambabasa ang nais iparating ng may akda.

Isa sa pinakamahalagang maintindihan ng mga mambabasa ay ang tema o paksang diwa kung tawagin. Ito ay ang pinag-uusapan sa kuwento.

Dito hango ang mga kaisipan at dito umiikot ang buong istorya. Ito ay mahalagang maunawaan sapagkat sa pamamagitan nito mauunawaan natin at maiintindihan ang nais na ipahiwatig ng may akda na maaari nating magamit sa ating pang-araw-araw na buhay.