Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabula?

Sagot verified answer sagot

Bakit mahalagang unawain at pahalagahan ang mga parabulaAng mga parabula ay hindi lamang basta-basta kuwento. Hindi rin ito basta-basta likha lamang ng sinumang manunulat.

Ang mga parabula ay nakabatay sa pananampalataya ng isang tao, at mababasa ito bilang Salita ng Diyos o mabuting balita.

Kaya naman mahalagang unawain ang bawat parabulang mababasa dahil ito ay repleksiyon ng mga salita, gawi, at moralidad na nais ituro ng Panginoon sa kaniyang mga taga-sunod, ano man ang relihiyon ng mga ito.

Mahalaga ring pahalagahan ang mga parabula sapagkat ito ay wika ng Diyos na naglalayong magturo sa atin ng aral at hindi lamang magbigay ng aliw sa mga mambabasa o manonood.