Bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat tauhan ang inilalarawan sa bawat sitwasyon?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit maituturing na paglabag sa karapatan ng bawat tauhan ang inilalarawan sa bawat sitwasyon?

Sagot verified answer sagot

Ang kuwentong pinamagatang “Ang Mabangis na Lungsod” ay nagpapakita ng ilang paglabag sa mga karapatang pantao ng mga tauhan sa istorya.

Umiikot ang kuwento sa buhay ng isang musmos na batang napadpad sa hindi ligtas na lugar sa Kamaynilaan. Naging delikado ang kanyang buhay.

Unang-una pa lamang ay nalabag na ang kanyang karapatan na magkaroon ng mga pangunahing pangangailangan, tulad ng sapat na pagkain, malinis na mga damit, at isang tirahan kung saan siya ay makakatulog nang mahimbing.

Hindi rin siya nabigyan ng pagkakataon na matupad ang kanyang karapatan na makakuha ng edukasyon, o makapag-aral. At alam natin na nalabag na ang kanyang karapatan na maprotektahan at magkaroon ng seguridad.