Bakit marami ang naninirahan sa NCR?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit marami ang naninirahan sa ncr?

Sagot verified answer sagot

Ang National Capital Region o NCR ay ang kapital ng bansang Pilipinas. Dahil sa pagiging sentro ng ekonomiya ng bansa at ang paniniwalang nagbibigay ito ng iba’t ibang oportunidad sa mga mamamayan ang mga dahilan kung bakit marami ang mas pinipiling manirahan sa lugar na ito.

Marami sa mga Pilipino sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas partikular na ang mga nasa gawing Visayas at Mindanao ang mas pinipiling lumayo sa pamilya at tumungo rito upang makapag-hanapbuhay dahil naniniwala silang ang NCR ang sagot sa kanilang kahirapan.

Ang mga trabahong maaari nilang pasukin sa pook na ito ang tinuturing nilang tulay upang makapag-impok para sa kanilang pamilya.