Katanungan
bakit masasabi itong kontemporaryong isyu?
Sagot
Dahil ang kontemporaryong isyu ay tumatalakay sa mga moderno o kasalukuyang isyu na ikinakaharap ng mga lipunan.
Dagdag pa rito, masasabi rin itong kontemporaryo dahil direkta o hindi direkta rin nitong naaapektuhan ang mga mamamayan sa isang bansa.
Halimbawa na lamang ng kontemporaryong isyu ay ang extra judicial killings, korapsyon, kagutuman, at COVID virus sa buong mundo.
Ang mga isyu na ito ay kasalukuyang nararanasan ng gobyerno at mamamayan kaya mahalaga na matalakay din ito.
Bukod pa, dapat din mabigyang solusyon itong mga ito para hindi na umabot din sa susunod na henerasyon at hindi na lumala ang problema ng isang lipunan.