Katanungan
bakit moses moses ang pamagat?
Sagot
Moses Moses ang pamagat ng akda sapagkat ito ay tumatalakay sa hustisyang umiiral sa bansa na tulad ng paglalarawan kay Moses sa bibliya na siyang tumanggap at nagdala ng mga batas ng Diyos sa mga Israelita o mga taga Israel.
Ang akdang “Moses Moses” ay sinulat ni Rogelio Sikat. Ito ay isang dula na kung saan ipinakita ang isang mukha ng hustisya sa bansa.
Inilarawan sa akdang ito na ang hustisya ay malimit hindi makamtan ng mga taong nasa mababang uri o laylayan o kilala ng lahat sa tawag na mahirap na kung ang nakabanggang tao ay ang mga may katungkulan at mataas na estado ng pamumuhay sa lipunan.