Bakit nabaliw si Sisa?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit nabaliw si Sisa?

Sagot verified answer sagot

Isang simpleng maybahay lamang si Sisa. Maalaga siya sa kaniyang mga anak na sina Basilio at Crispin na parehong sakristan sa simbahan.

Ngunit ang asawa niya ay malupit at makasarili. Nawawala naman ang suliranin niya sa piling ng dalawang mapagmahal na anak.

Ngunit nawala sa katinuan si Sisa dahil sa sunod-sunod na kamalasang dinanas ng kaniyang mga anak. Napagbintangang nagnakaw ang bunso niyang si Crispin at hindi na ito nakauwi sa kanilang tahanan.

Si Basilio naman ay dinakip ng mga sibil at hindi na rin natagpuan nang mahulog sa bangin. Maging si Sisa ay makailang beses na dinakip at pinaamin sa kasalanang hindi naman ginawa ng kaniyang anak na si Crispin.