Bakit nag alsa ang mga sundalo sa Cavite?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit nag alsa ang mga sundalo sa Cavite? Thank you mga tropang estudyante dyan HAHAHA

Sagot verified answer sagot

Bakit nag alsa ang mga sundalo sa CaviteAng pag-aalsa ng mga sundalo sa Cavite, na kilala rin bilang Cavite Mutiny, ay bunga ng pagpapataw ni Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo ng personal na buwis sa mga kawal at manggawa na noon ay hindi naman saklaw ng pagbubuwis.

Naganap ang pag-aalsa noong 1872 at umabot sa nasa 200 sundalong Pilipino ang sumali sa nasabing pag-aalsa. Madaling napuksa ng mga mananakop ang pag-aalsang ito ngunit naging malaki ang ambag nito sa kasaysayan ng Pilipinas.

Ito rin ang sinasabing naging dahil sa pagkaka-garote sa tatlong paring martir na sina Padre Gomez, Burgos, at Zamora o Gomburza na naging ugat naman ng himagsikan noong 1896.