Bakit nagkakaiba iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga may buhay na nilikha ng diyos?

Katanungan

bakit nagkakaiba iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga may buhay na nilikha ng diyos?

Sagot verified answer sagot

Ang layunin sa kalikasan ng bawat nilikha ng Diyos ang dahilan kung bakit nagkakaiba iba ng layunin sa kanilang ginagawa ang mga may buhay na nilikha ng Diyos.

Ang bawat bagay sa mundo ay pinaniniwalaang nilikha ng Diyos ayon sa layunin nito. Ang bawat isa ay may kani-kanyang gampanin na dapat tugunan kung kaya naman walang pagkakapareho ang layon ng pagkakabuo.

Ang mga halaman na makikita sa kapaligiran ay nilikha upang makapagbigay ng pagkain na kailangan ng mga tao na tinatawag ding prodyuser.

Ito rin ang nagsisilbing silong at tagaprotekta ng mga nabubuhay sa mundo. Ang mga tao at hayop naman na silang kumukonsumo sa mga halaman ay ang tinatawag na konsyumer.

Layunin nilang kumain o kainin ang mga halaman upang sa gayon ay magkaron ng lakas. Ang mga mikroorganismo naman ay nabuo upang makatulong sila sa pagpapabulok kung kaya sila ay kilala sa tawag na decomposer.