Bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama sa mag-ina sa simbahan?

Katanungan

Ano po ang dahilan kung bakit naisipan ni Tiyo Simon na sumama sa mag-ina papuntang simbahan? Salamat po sa inyong tulong.

Sagot verified answer sagot

Naisipan sumama ni Tiyo Simon sa mag-ina patungo sa simbahan dahil nais niyang magbalik ang kanyang loob sa Diyos.

Simula nang masaksihan niya ang isang babae na nakangiti at nananalig pa rin sa Diyos sa kabila nang lahat ng suliranin na kinakaharap nito ay nagkaroon ng inspirasyon at pagtatanto si Tiyo Simon na manumbalik rin sa Diyos.

Si Tiyo Simon kasi ay nagkaroon ng kapansanan sa paa kaya naman nawala ang kanyang tiwala at pananalig sa Diyos. Kwinestiyon niya ang Diyos kung bakit siya pinapahirapan nito.

Pero ngayon ay naiintindihan na ni Tiyo Simon na kailangan niyang patatagin ang kanyang loob at lakasan ang kanyang pananampalataya.