Bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?

Katanungan Sagot

0

Katanungan

bakit pinakamahalaga ang pagiging makatao?

Sagot verified answer sagot

Ang pagiging makato ay pinakamahalaga dahil nagpapakita ito ng respeto o paggalang sa kapwa. Ang pagiging makatao ay ang pagkakaroon ng pagmamahal ng isang indibidwal sa kanyang kapwa partikular na sa pagbibigay ng galang.

Ito ang siyang ugat ng pagkakaroon ng kabutihan na pinaiiral sa lahat hindi lamang sa mga piling indibidwal kung kaya naman ito ay pinakamahalaga.

Ang pagiging makatao ay nagiging mahalaga dahil nagkakaroon ng pagkakapantay-pantay ang pagtingin ng isang indibidwal sa mga taong nakapaligid sa kanya.

Ito rin ang siyang pinagmumulan ng responsibilidad ng isang tao. Bilang karagdagan, ang pagka-makatao ay ugat ng isang magandang relasyon dahil ito ay hindi naglalayong makasira ng reputasyon o dignidad ng iba.