Bakit sinasabing ang pagsulat ng menu ay isang anyo ng komunikasyong teknikal?

Katanungan

Ano po ang dahilan kung bakit tinatawag na isang anyo ng komunikasyong teknikal ang pagsulat ng menu?

Sagot verified answer sagot

Maituturing na isang anyo ng komunikasyong teknikal ang pagsusulat ng menu o ang pagguhit ng pagkain.

Ito ay sa kadahilanan na may sinusunod itong porma, kadalasan ay siyentipiko, at naglalaman ng mga impormasyon na mahalagang maunawaan ng mga konsyumer at mamimili ng mga pagkain at inumin.

Bukod sa pagbibigay kaalaman tungkol sa pagkain, ito rin ang nagiging gabay upang mga tao ay makapamili o makapili ng pagkaing nais nila.

Karaniwan sa menu ay hindi lamang nakikita ang ngalan ng pagkain, kung hindi maging na rin ang mga sangkap at proseso ng pagluluto. Kailangang tama lahat ng termino at salitang ginagamit sa pagsusulat ng menu.