Katanungan
Ano ang dahilan kung bakit tinuturing na isang obra maestra ang tao?
Sagot
Obra maestra ang terminong ginagamit sa iasng likha kung saan umaani ito ng wagas na mga papuri at itinuturing na dakilang sinig.
Sinasabing ang tao ay obra maestra ng Diyos bagama’t tao ang siyang pinakanatatanging likha ng Diyos Maykapal.
Tayong mga tao, hindi tulad ng ibang ginawa ng Diyos, ay hango sa kanyang wangis. Biniyayaan rin tayo ng kaisipan na siyang ginagamit natin upang malaman ang tama o mali.
May kakayahan tayong gumawa at pag-isipan ang mga bagay-bagay, hindi tulad ng mga hayop at mga halaman. Kaya naman ganun na lamang na tayong tao ay tinatawag na obra maestra g Diyos.