Bakit tinawag na bansang maritime or insular ang Pilipinas?

Katanungan Sagot

Katanungan

bakit tinawag na bansang maritime or insular ang pilipinas?

Sagot verified answer sagot

Bakit tinawag na bansang maritime or insular ang PilipinasTinawag ang Pilipinas bilang bansang maritime o insular sapagkat ang Pilipinas ay binubuo ng maraming pulo o isla.

Ang salitang insular ay hango sa salitang Latin na “insula” na mayroong kahulugang “island” o “pulo.” Ang salitang maritime naman ay iniuugnay sa anumang bagay o lugar na malapit sa dagat.

Dahil nga ang Pilipinas ay naliligiran ng tubig, tinawag din itong bansang maritime. Sa katunayan, ang Pilipinas ay hindi lamang basta-basta bansang kinabibilangan ng pulo.

Tinatawag dina ng Pilipinas bilang arkipelago dahil ang Pilipinas ay binubuo ng pangkat ng mga pulo. Nasa 7, 107 ang kabuuang bilang ng mga pulong matatagpuan sa Pilipinas.