Bakit Tinawag na Kanlaon ang Bundok?

Katanungan

Bakit Tinawag na Kanlaon ang Bundok?

Sagot verified answer sagot

Ayon sa Alamat ng Kanlaon, ang bundok na ngayon ay tinatawag na Kanlaon ay sa kadahilanan na dito namayapa ang dalawang mag-irog na si Kang at Laon.

Sinalakay noon ang kanilang kaharian habang gaganapin sana ang kasalan sa pagitan ng magkasintahan. Nakatakas sina Kang at Laon ngunit sila ay naabutan rin at namatay. Ang dalawang nag-iibigan ay natagpuang magkayakap.

Sinasabing ang pagmamahalan nila Kang at Laon ay nagbunga ng isang bundok kung saan sila natagpuang namayapa at magkayapos kaya naman pinagsama ang pangalan nilang dalawa bilang itatawag sa bundok.

Ang pag-ibig sa pagitan ng dalawa ay ngayon isa ng likas na atraksyon sa lalawigan. Sinasabing ang kagandahan at kasaganaan ng bundok Kanlaon ay dahil pa rin sa kanilang tunay na pagmamahalan.