Bakit tinawag na land of the rising sun ang Japan?

Katanungan Sagot

1

Katanungan

bakit tinawag na land of the rising sun ang japan?

Sagot verified answer sagot

Ang bansang Japan ay kinikilala bilang “Land of the Rising Sun.” Ito ay nagsimula dahil sa Tsina, nakikitang sumisikat ang araw mula sa direksyon kung nasaan ang bansang Japan.

Ang ngalan ng bansang Japan ay nagmula sa isang salitang Nippon o Nihon na ang kahulugan ay literal na pinagmulan ng araw.

Atin ring makikita ang ebidensya ng pagiging land of the rising sun ng bansang Japan sa kanilang watawat. Ito ay puti lamang na may hugis bilog na kulay pula sa gitna.

Ang bilog na ito ay sumisimbolo sa araw. Ang watawat ay mistulang larawan kung paano nakikita ang pagsikat ng araw sa isang bansang napapalibutan ng anyong tubig.