Bakit tutol ang mga Pilipino sa kasunduan sa Paris?

Katanungan Sagot

Katanungan

Bakit tutol ang mga Pilipino sa kasunduan sa paris?

Sagot verified answer sagot

Tinutulan ng mga Pilipino ang kasunduan sa Paris sapagkat ang nilalaman nito ay magiging kolonya ng Estados Unidos ang Pilipinas matapos nilang bayaran ang bansa sa mga Espanyol sa halagang $20,000,000.

Ang kasunduan sa Paris ay nilagdaan noong ika-sampu ng Disyembre taong 1898. Ito ang dahilan ng pagtatapos ng digmaan sa pagitan ng mga Espanyol at Amerikano subalit maraming Pilipino ang tumutol sa kasunduang ito.

Nilalaman ng kasunduang ito ang pagpapalaya sa bansang Cuba, ang pamumuno sa mga bansang Portoriko o Puerto Rico at Guam ay maililipat sa Estados Unidos, at ang pagbili sa Pilipinas ng Estados Unidos mula sa Espanya upang gawing kolonya nito.