Balitang kutsero paggamit sa pangungusap?

Katanungan

balitang kutsero paggamit sa pangungusap?

Sagot verified answer sagot

Ang balitang kutsero o mga istoryang hango sa imbento o gawa gawa lamang ng isang indibidwal na siyang ipinamamalita o ipinakakalat nito sa lipunang ginagalawa.

Ang salitang ito ay maaari ring magamit sa pangungup gaya ng mga sumusunod:

1.) kung ikaw ay mamamahagi ng isang balita o kaalaman, siguruhing ito ay makatotohanan at hindi balitang kutsero lamang.

2.) Hindi nakatutulong ang pagkakalat ng mga balitang kutsero sa panahon ngayon sapagkat maaari itong magdulot ng kapahamakan sa mga tao.

3.) Ayon kay Juan, ang isyung kumakalat patungkol sa kanyang karamdaman ay purong balitang kutsero lamang.

Ang paggamit ng balitang kutsero o mga kwentong walang batayan ay hindi iminumungkahi sapagkat hindi ito nagdadala ng magandang epekto sa mga tao.