Katanungan
bansang nagtatag ng mga base militar sa pilipinas?
Sagot
Ang bansang nagtatag ng mga base militar sa Pilipinas ay ang bansang Amerika. Ang base militar ay ang tawag sa kampo o pasilidad na ginagamit ng sandatahang hukbo para sa mga operasyon.
Ito rin ang nagsisilbing pasilidad na pinagdarausan ng iba’t ibang pagsasanay para sa mga sundalo. Bilang karagdagan, ang mga kagamitang pangmilitar ay ditto rin inilalagak o itinatago.
Ang pagtatayo ng base militar ay nagsimula sa mga Amerikano na kung saan sila ay nabigyan ng pagkakataong magtayo ng mga kampo sa bansa.
Ilan sa mga kilalang base militar sa Pilipinas ay ang Clark Air Field na matatagpuan sa Pampanga at ang Subic Bay sa Olongapo.