Katanungan
batas na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka?
Sagot
Ang batas na naglalayong mabigyan ng pagkakataon ang mga magsasaka ay ang Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP.
Ang Republic Act 6657 o mas kilala bilang CARP o Comprehensive Agrarian Reform Program ay nilagdaan ng Pangulong Corazon C. Aquino noong ika 10 ng Hunyo taong 1988.
Ang batas na ito ay naglalaman ng kautusan na kung saan ang mga manggagawang magsasaka ay nararapat na bahaginan ng lupain mula sa may ari nito na hindi tataas sa limang hektarya.
Ang lupang ibabahagi sa manggagawang magsasaka ay ang lupang sasakahin nito na para sa kanyang pansariling pag-angat bilang tulong na rin sa mga matapat na paninilbihan sa loob ng maraming taon.