Katanungan
batas para sa kalalakihan?
Sagot
Sa kasalukuyang panahon, walang batas na sumasakop sa proteksyon ng mga kalalakihan higit na sa usaping pang-aabuso.
Ang bansang Pilipinas ay isang bansang kumikilala sa kakayahan ng mga kalalakihan sa lipunan subalit ito ay nagkakaroon ng pagkukulang sapagkat walang naisabatas na mga panukala hinggil sa mga proteksyon ng kalalakihan higit na sa usaping pang-aabuso sapagkat diumano ay karamihan sa nakararanas ng pang-aabuso ay ang mga kababaihan.
Saubalit ito ay hindi tiyak na basehan lamang upang maipagsawalang bahala ang mga kalalakihan lalo na’t hindi lamang babae ang inaabuso ngunit maging ang kalalakihan din.
Sa kabilang banda, ang isang inabusong lalaki ay maaari umanong magsampa ng demanda laban sa salarin sa ilalim ng umiiral na revised penal code sa bansa.