Batay sa kwento ni Tarzan nakikita mo ba ang kahalagahan ng wika?

Katanungan

batay sa kwento ni tarzan nakikita mo ba ang kahalagahan ng wika?

Sagot verified answer sagot

Batay sa kwento ni Tarzan, nakikita ko ang kahalagahan ng wika dahil ito ang nagsisilbing pagkakaunawaan sa pagitan niya at ng iba pang mga karakter na itinampok sa kuwento.

Bagamat lumaki si Tarzan sa gubat at hindi naturuan ng tamang paggamit ng wika ay unti-unti niyang nahubog ang kakayahan na makaunawa na nababatay sa ipinahihiwatig ng kanyang kausap. Sa aspetong ito, ang wika ay ang nagsisilbing ugnayan upang maipahayag ang nais.

Hindi man tuwiran ang pagsasalita, sa pamamagitan naman ng mga kilos o aksyon ay nakapagpapahayag ito ng kanyang saloobin kung kaya ang wika ay kapansing-pansing instrumental sa ganitong takpo.