Katanungan
Ano po ang layunin ng batas batay sa mga sagot sa nabuong semantic web?
Sagot
Kung ating pagbabatayan ang mga sagot sa binuong semantic web, makikita natin na maraming layunin ang pagkakaroon ng batas.
Isa sa mga layunin, ayon sa semantic web, ay ang pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan sa pamumuhay ng mga mamamayan.
May batas na sinusunod upang maging tahimik ang estado ng buhay sa isang lipunan. Ang ikalawang layunin naman na nabuo sa semantic web ay ang layunin ng batas na maging gabay sa kilos na ginagawa ng mga indibidwal.
Sa tulong ng batas, magiging mabuting kapwa ang mga tao bagamat malalaman nila ang tamang gawain sa mali.
Ikatlong layunin naman ang pagpro-protekta sa mga karapatan at interes ng mga tao.