Katanungan
Ano po ang magiging bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig?
Sagot 
Batay sa tula, ang bunga ng pagkakaroon ng tunay na pag-ibig ay ang pagkakaroon ng karanasan na magmahal at mahalin ng isang taong totoo ang nararamdaman.
Kapag ang isang pag-ibig ay tunay, magbubunga rin ito ng masaya at positibong pagsasama para sa dalawang nag-iibigan.
Ipinapahayag rin sa tula kung paano nagiging wagas ang pagmamahalan kapag tunay ang pag-ibig para sa isa’t-isa.
Ang pagiging tunay, pagpapakatotoo, at pagiging matapat pagdating sa pag-iibigan ay siya ring sangkap na nagpapalakas sa pagsasama ng dalawang tao.
Kaya naman napakahalaga talagang maging tunay sa pagpapakita at pagpaparamdan ng pag-ibig sa isang tao dahil ang bunga nito ay sa ikasasaya ng nag-iibigan.